PatrolPH

4 menor de edad, 21 iba pa nasagip sa pambubugaw sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2022 01:05 PM


Dalawampu't limang indibiduwal, kabilang ang 4 na menor de edad, ang nasagip sa pambubugaw sa Parañaque nitong madaling-araw ng Huwebes Santo, ayon sa pulisya.

Naaresto rin sa operasyon sa may Barangay Tambo ang 3 Chinese national at 3 iba pa, ayon sa pahayag ng pulisya.

Nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad matapos umano silang makatanggap ng reklamo tungkol sa umano'y prostitusyon sa isang gusali sa barangay.

Pagdating sa lugar, naaktuhan pa umano na nagla-live-stream ng mga maselang gawain ang isa sa mga naarestong suspek at mga biktima.

Naglalaro sa 16 hanggang 46 ang edad ng mga nasagip sa operasyon, ayon sa pulisya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Parañaque police ang mga nasagip na indibidwal at mga suspek. Inihahanda na umano ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa mga naaresto.

 FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.