PatrolPH

2 hinihinalang rebelde patay sa engkuwentro sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2022 07:51 PM

Patay ang 2 hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) matapos maka-engkwentro ng mga sundalo at pulis sa Garchitorena, Camarines Sur noong Miyerkoles.

Sa ulat ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, magsasagawa sana ng negosasyon ang tropa ng militar at mga pulis sa umano'y aktibong supporter ng NPA nang bigla silang pinaputukan ng 6 na armadong rebelde sa may Barangay San Vicente.

Layunin umano ng tropa na hikayatin ang nasabing supporter na putulin na ang suporta sa mga rebelde at makipagtulungan sa gobyerno na himukin din ang mga miyembro nito na sumuko na lamang.

Tumagal nang halos 5 minuto ang bakbakan.

Isang rifle, isang pistol, sari-saring mga kagamitang pang komunikasyon at iba pang personal na kagamitan ang narekober sa pinangyarihan ng enkguwentro.

Wala pa umanong pagkakakilanlan ang militar sa 2 nasawi.

— Ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.