PatrolPH

2 nawawalang mangingisda sa Capiz, natagpuang patay

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2022 07:40 PM

Maayon police
Retrato mula sa Maayon police

Natagpuang bangkay ngayong Huwebes ang 2 sa 3 mangingisda na naiulat na nawawala sa bayan ng Maayon, Capiz.

Nawala ang mga mangingisda matapos tangayin ng rumaragasang tubig ang kanilang bangka habang nangingisda noong Miyerkoles.

Nahanap sa may Barangay Tuburan ang bangkay ng 2 habang patuloy na hinahanap ang isa pa.

Ang insidente ay bunsod ng masamang panahong dala ng Bagyong Agaton, ang pinakaunang bagyong dumaan sa Pilipinas ngayong 2022.

Sa huling tala ng mga awtoridad, umabot sa 133 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa mga baha at landslide dulot ng Agaton.

— Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.