Provincial health office ng Misamis Oriental nasunog; ilang vaccine dose kasama sa natupok

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2021 10:00 PM

Natupok ang gusali ng Misamis Oriental provincial health office sa Cagayan de Oro Miyerkoles ng gabi, kasama ang ilang doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay provincial health officer Dr. Jerie Calingasan, tinatayang hindi aabot sa 50 vials ng Sinovac vaccine ang nadamay sa naturang sunog. 

Dumating nitong Miyerkoles ang 27,000 doses ng Sinovac vaccine para sa Northern Mindanao. 

 

Facebook video kuha ng Project LUPAD

Ayon ky Dr. Calingasan, may allocation ng bakuna ang probinsya ng Misamis Oriental pero hindi muna nila kinuha ang mga ito. Kasamang nasunog ang mga gamit at dokumento ng Provincial Health Office.

Walang nasaktan sa sunog. Inaalam pa rin kung saan nagsimula ito.

Watch more in iWantTFC
Kuha ni PJ dela Peña

Ang mga building sa Capitol compound ay may kalumaan na umano.

Gagawan naman ng paraan ng provincial health office na matuloy pa rin ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa probinsya.--Ulat ni PJ dela Peña

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC