PatrolPH

Magsasaka patay dahil sa granada sa Zamboanga del Sur

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2021 11:29 PM

Nasawi ang isang magsasaka dahil sa pagsabog ng bala ng M203 grenade launcher sa Dimataling, Zamboanga del Sur nitong Martes.

Ayon sa mga awtoridad, nagdadamo ang biktima na si Henry Baterna Sr., 46, kasama ang pamangkinna si Stenard Gacho, 28, sa kanilang sakahan sa Brgy. Upper Lodiong nang makita nila ang isang lata. 

Bigla na lang itong sumabog ng hawakan ni Baterna, na ikinamatay niya at ikinasugat ni Gacho.
 
“Nakita nila ‘yong bilog na lata. Thinking siguro sa curiosity nila, pinaglaruan. ‘Yon pumutok,” ani Police Maj. Herminigildo Bajao Jr., hepe ng Dimataling Municipal Police Station.

Kasalukuyan pang ginagamot si Gacho dahil sa mga natamong sugat sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan.

Abiso ng mga awtoridad, agad tumawag at ipagbigay alam sa kanila ang mga kahina-hinalang bagay na makita sa paligid para maiwasan ang ganitong mga sakuna.--Ulat ni Dynah Diestro

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.