Gov't hospitals sa Cavite di muna tatanggap ng mga pasyente: Remulla | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gov't hospitals sa Cavite di muna tatanggap ng mga pasyente: Remulla

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Apr 14, 2021 02:40 PM PHT

Hindi muna tatanggap ng mga bagong pasyente sa loob nang isang linggo ang 8 provincial at city hospitals sa Cavite matapos magpositibo sa COVID-19 ang maraming medical frontliner, sabi ngayong Miyerkoles ni Governor Jonvic Remulla.

Ayon kay Remulla, understaffed ang mga government hospital sa Cavite dahil higit 38 manggagawa doon ang nagpositibo sa COVID-19 habang maraming staff din ang na-expose.

"One week kami nag-decide hindi muna [tatanggap ng pasyente] hangga't malaman namin ang sitwasyon," ani Remulla.

Ilan sa mga nasabing ospital ay matatagpuan sa Dasmariñas City, Trece Martires City, Bacoor City, Kawit, Maragondon at Gen. Mariano Alvarez.

Ayon pa kay Remulla, nasa critical level na rin ang private hospitals, na umabot na sa 95 porsiyento ang occupancy rate.

Sumipa kamakailan ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, dahilan para mapuno ang mga ospital sa mga nasabing lugar.

Pamamahagi ng ayuda
Samantala, tuloy naman ang pamimigay ng ayuda sa mga residente ng Santa Rosa, Laguna.

Nagbabahay-bahay ang mga tauhan ng city social welfare and development office at treasurer's office ng lokal na pamahalaan para maibigay ang P1,000 kada tao o P4,000 kada pamilya na ayuda.

Aabot sa P341 milyon ang natanggap na pondo ng Santa Rosa City mula sa national government pero ayon kay Mayor Arlene Arcillas ay hindi ito sasapat.

Dahil bahay-bahay ang pamimigay ng ayuda, posibleng hindi ito umabot sa deadline kaya baka humingi umano si Arcillas ng extension ng deadline.

RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Cavite
Cavite government hopsitals
full capacity
Jonvic Remulla
Laguna
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT