PatrolPH

Truck umararo sa ilang sasakyan matapos mawalan ng preno sa Bataan; drayber patay

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2020 12:48 PM

Truck umararo sa ilang sasakyan matapos mawalan ng preno sa Bataan; drayber patay 1
Inararo pa ng truck ang 5 sasakyang nakaparada sa gilid ng daan bago tuluyang dumagan sa isang bahay sa gilid ng kalsada. Dinalupihan MDRRMO

Patay ang isang truck driver matapos mawalan ng preno ang minamanehong sasakyan sa Dinalupihan, Bataan hapon ng Lunes.

Ayon sa imbestigasyon ng Dinalupihan police, binabaybay ng drayber ang truck na may kargang asukal sa bahagi ng Olongapo Gapan Road sa Barangay Bangal nang mawalan ng kontrol ang truck. 

Inararo pa nito ang 5 sasakyang nakaparada sa gilid ng daan bago tuluyang dumagan sa isang bahay sa gilid ng kalsada.

Suwerteng walang nadamay sa bahay pero naipit ang 3 sakay ng truck sa tindi ng pagkakahulog.

Kinailangan pang gamitan ng mga aparato ang mga biktima bago naisugod sa James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City ang mga ito. — Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.