Lalaki inaresto dahil sa biro na mayroon siyang COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2020 04:13 AM | Updated as of Apr 14 2020 04:29 AM

Inaresto ang isang lalaki dahil sa birong nagdulot ng takot sa komunidad sa Barangay Plaridel, Sagay City, Negros Occidental nitong Lunes ng hapon. 

Ayon kay Police Maj. Antonio Benitez Jr., hepe ng Sagay Police, nagresulta ng pagkaalarma sa kanilang barangay ang social media post ng 18 anyos na si alyas Brando na siya ay may coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Agad na ipinaalam sa mga awtoridad ang insidente at agad namang hinuli ang suspek. 

Pagkahuli sa kanya, dinala agad siya sa ospital at agad itong umamin na biro lang umano ang kanyang post dahil mayroon lang siyang problema.

Hinahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.

Paalala ng awtorided na dapat iwasan ang mga ganitong biro dahil ito ay magiging sanhi ng takot sa publiko at may kaukulang parusa sa sino mang lalabag sa batas.-Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.