PatrolPH

ALAMIN: Bagong schedule ng pamamalengke sa Bacoor, Muntinlupa

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2020 05:35 AM

Isang beses sa isang linggo lang pwedeng mamalengke sa Bacoor, Cavite ayon sa bagong schedule ng mga palengke nito.
 
Ayon sa bagong schedule ng Zapote Market at Anchorway Mart, hinati sa pitong cluster ang mga barangay at bawat cluster ay naka-assign ang araw na pwede kang mamalengke. 

Ito ay para mabawasan ang bilang ng mga tao sa palengke. Kailangan ding magdala ng face mask at quarantine pass para makapasok sa palengke. 

Mahigpit na ring ipinagbabawal na lumabas ng bahay ang mga senior citizen.
 
Kung mag-isa lang sa bahay, maaari namang humingi ng tulong sa barangay kung may kailangang ipabili. 

Sa Muntinlupa naman, hinati sa dalawang district ang mga barangay, kaya may naka-schedule na ring araw kung kailan pwedeng bumili sa palengke. 

Tuwing Lunes, sarado ang public market para sa disinfection. Ngayong Miyerkoles, sarado din ang palengke. Bawal din ang senior citizen at mga bata sa palengke.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.