'No. 4 most wanted' ng Talisay, Cebu patay sa engkuwentro

Annie Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 01:58 PM

Inilalagay sa isang body bag ang bangkay ng isang suspek na napaslang matapos umanong manlaban sa mga awtoridad. Larawan mula sa Talisay police

TALISAY, Cebu -- Patay ang ika-4 na "most wanted" sa lungsod na ito matapos umanong manlaban sa mga pulis, Linggo ng madaling-araw.

Idinadawit ang suspek na si Jackson Bonghanoy Segundino sa pagpatay sa treasurer ng Barangay Lawaan.

Aarestuhin na sana siya ng mga operatiba nang bigla siyang magpaputok ng baril, dahilan para gumanti ang mga awtoridad at mapatay siya sa Barangay Maghaway, ayon sa pulisya.

Hinihinala rin anilang miyembro ng gun-for-hire gang si Segundino. Kasapi rin anila ito ng isang local drug group na nabuwag noong 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.