Lalaking nakamotorsiklo, patay nang sumalpok sa nakahintong dump truck

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 06:27 PM

BAGO CITY, Negros Occidental - Patay ang isang lalaking nakamotorsiklo nang sumalpok ito sa isang nakahintong dump truck sa national highway sa Barangay Tabunan, Bago City, Negros Occidental, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Millarez III, 38 anyos. Sugatan rin ang kaniyang angkas na si Ma. Cecilia Mallanes.

Ayon sa imbestigasyon, hindi nakita ni Millarez ang dump truck na nasa gilid ng highway kaya't sumalpok ito sa likuran ng sasakyan.

May nilagay naman na improvised early warning device ang drayber ng trak pero hindi ito nakita ni Millarez.

May nakakita naman sa nangyari na nagsabi sa pulis na may kasalubong daw ang motorsiklo na sasakyan kaya't nasilaw ito at hindi nakita ang early warning device.

Tatlong araw na na iniwan sa gilid ng highway ang dump truck dahil hindi pa ito naaayos.

Handa namang bayaran ng may ari ng trak ang lahat na gastusin sa pagpapagamot at pagpapalibing sa mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.