Konsehal timbog sa droga sa Agusan del Norte

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 08:23 PM

MAYNILA — Inaresto sa isang anti-drug operation ang isang konsehal sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte nitong madaling araw ng Linggo.

Sinilbihan ng mga awtoridad ng search warrant noong alas-2:40 ng madaling araw ang hinihinalang tulak na si Ronilo Bohol, 50 anyos at residente ng Barangay Matabao, ayon kay Police Brig. Gen. Gilberto Cruz.

Nakuha kay Bohol ang 22 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P264,320, ani Cruz.

Nakapiit sa detention cell ng Buenavista Municipal Police Station si Bohol habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kaniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.