PatrolPH

Higit 100 bus, ide-deploy sa pagsasara ng MRT sa Lunes

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 10:06 PM

MANILA - Para sa pansamantalang maintenance shutdown ng MRT-3 simula bukas, nasa 140 na bus ang ipakakalat upang masakyan ng commuters. 

May drop off at pick up points mula sa North Avenue hanggang Taft Avenue. Malapit ang mga ito sa bus stops at MRT 3 stations.

Maaaring sumakay sa mga bus mula 5:00 a.m. hanggang 9:00 p.m. Kaparehas din ng pamasahe sa MRT 3 ang babayaran, mula 13 hanggang 28 pesos.

Muling bubuksan sa publiko ang MRT 3 sa April 22, pagkatapos ng Semana Santa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.