2 'nanggahasa, pumatay' sa teenager, arestado sa Lipa City

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 12:28 PM | Updated as of Apr 14 2019 05:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Hawak na ng pulisya ang 2 suspek sa pagnanakaw, panghahalay at pagpatay sa isang 15 anyos na babae sa Lipa City, Batangas.

Natagpuan noong umaga ng Biyernes ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang sari-sari store sa ground floor ng tinitirhang bahay sa Barangay San Lucas.

Ilang paninda at pera umano ang nanakaw sa tindahan.

Noong una ay pagnanakaw ang tinutukang motibo ng pulisya sa krimen pero natuklasan sa autopsy report na hinalay ang biktima, ayon kay Police Lt. Col. Ramon Balauag, hepe ng Lipa City police.

Sumuko noong parehong araw ang 15 anyos na suspek at umaming kasabwat siya sa pagnanakaw habang naaresto naman ang isang 18 anyos na suspek.

Umamin ang 18 anyos na suspek na nakatikim ng ilegal na droga pero itinangging nakagamit siya nang mangyari ang krimen.

Ibinigay sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang menor de edad na suspek habang mahaharap naman sa kasong robbery with homicide and rape ang 18 anyos na suspek.

—Ulat ni Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.