2 Chinese national, arestado sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 11:02 PM

MANILA - Arestado ang 2 Chinese national at kasabwat nilang 2 Pinoy na nasa likod umano ng pagbebenta ng pekeng sigarilyo sa Bulacan.

Naaresto ang mga suspek sa buy-bust operation ng pulisya sa isang warehouse sa Brgy. Wakas, Bocaue.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 40 karton o 2,000 ream ng pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Ayon sa pulisya, nakakuha sila ng impormasyon na sangkot sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo ang dalawang Chinese national, kaya't isinailalim nila agad ang mga ito sa surveillance. 

Nang makumpirma, agad ikinasa ang ang buy-bust operation na ikinaaresto ng mga suspek.

Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa 2 Chinese national at mga kasabwat na Pilipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.