Serbisyo ng Maynilad sa Metro Manila, Cavite di pa rin naibabalik sa normal

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2018 07:41 PM | Updated as of Apr 14 2018 09:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagpalabas ng panibagong advisory ang Maynilad upang ianunsiyo na pansamantalang mapuputol ang kanilang serbisyo sa maraming lugar sa Kamaynilaan at Cavite ngayong Sabado
    
Paliwanag ng Maynilad, simula Abril 13 ay mas kaunti na ang nakukuha nilang tubig mula sa mga treatment plant sa La Mesa Dam. 


    
Anila, kung dati ay 60 percent ang nakukuhang raw water mula sa dam, nagsimula itong bumaba noong Abril 1. 

Dahil dito, apektado na ang imbak nilang tubig.
    
Muli namang humihingi ng pang-unawa ang Maynilad.
    
Kabilang sa mga nawalan o nabawasan ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Caloocan, Malabon, Maynila, Navotas, Pasay, Quezon City, Valenzuela, Las Piñas, at Parañaque at sa ilang lugar sa Cavite.

Inaasahang muli itong maibabalik sa normal sa Abril 15, alas-4 ng madaling araw.
    
--Ulat ni Abner Mercardo, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.