PatrolPH

Umano'y 'most wanted' na rapist sa Oriental Mindoro tiklo

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2022 01:38 PM

MAYNILA—Naaresto ng mga awtoridad ang tinaguriang "number 1 most wanted" ng bayan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa apat na bilang na kaso ng rape na nakabinbin laban sa kaniya.

Ayon kay Mimaropa Provincial Police public information office chief, Pol. Cpt. Clyde Kalyawen, 692 na wanted person na ang naaaresto nila simula nitong Enero. 

— Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.