PatrolPH

Delikado lumahok sa prusisyon kapag walang booster shot, ayon sa mga eksperto

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2022 01:14 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Importante sa mga lalahok sa mga prusisyon ngayong Semana Santa na dapat boosted sila laban sa COVID-19, ayon sa ilang mga eksperto.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert, delikado ang mga wala pang COVID-19 booster shot, lalo na ang mga senior citizen.

Saad naman ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, kung hindi pa boosted ang mga lalahok pero gustong sumama sa mga prusisyon, ay dapat na suot ng maayos ang facemask at dapat na lumayo sa daloy ng tao.

Payo niya para sa mga magbabakasyon at sasakay ng mga pampublikong sasakyan ngayong Semana Santa, mas maganda na huwag na lang kumain habang nasa loob ng sasakyan at isuot ng maayos ang facemask.—SRO, TeleRadyo, Abril 12, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.