PatrolPH

Barangay secretary patay, treasurer sugatan sa Batangas ambush

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2022 04:35 PM | Updated as of Apr 13 2022 05:20 PM

Patay ang isang barangay secretary habang sugatan ang kasama niyang treasurer matapos silang tambangan sa Bauan, Batangas, Miyerkoles ng tanghali. 

Kinilala ni Bauan police chief Lt. Col. Louie Dionglay ang napatay bilang si Jojo Acuzar, secretary ng Barangay Sta. Maria sa naturang bayan.

Sugatan naman umano si Demetrio Silang, treasurer ng parehong barangay. Dinala na siya sa ospital para lapatan ng lunas. 

Ayon sa ulat, pauwi na sana ang 2 sakay ng patrol vehicle galing Barangay Manghinao nang tambangan sila ng hindi pa nakikilalang salarin.

Mabilis na tumakas ang 2 suspek sakay ng motorsiklo.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng krimen.

— Ulat ni Arnell Ozaeta

 RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.