Opisina ng LTO sa Iloilo City naka-lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang kawani

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2021 08:00 PM

ILOILO CITY - Pansamantalang isinailalim sa lockdown simula Martes ang opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa lIloilo City para sa disinfection. 

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang 4 na empleyado ng LTO sa naturang opisina, base sa memorandum na inilabas ni Regional Director Eric Lenard Tabaldo ng LTO Region 6. 

Wala pang inilalabas na abiso kailan muling bubuksan ang tanggapan. 

Patuloy pa daw ang contact-tracing sa mga nakasalamuha ng apat na kawani na nagpositibo sa virus.

Nasa isolation facility na ng tanggapan ang 4 na nagpositibo sa naturang sakit, na pawang asymptomatic.

KAUGNAY NA BALITA: 

Watch more in iWantTFC

Isinailaim na rin ang iba pang kawani ng tanggapan sa swab test.

Samantala, hinihintay pa ang resulta ng iba pang empleyado na isinailalim din sa swab test. 

Pinapayuhan naman ang mga tao na may transaksyon sa LTO Region 6 na pumunta na lamang sa mga satellite offices ng tanggapan.

- Ulat ni Rolen Escaniel