PatrolPH

Lalaki nalunod matapos makainom, maligo sa Cagayan River

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2021 11:41 AM

Lalaki nalunod matapos makainom, maligo sa Cagayan River 1
Kuha ng Santa Maria Police

Nalunod ang isang lalaki sa bahagi ng Cagayan River sa Barangay San Rafael ng Santa Maria, Isabela Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Julius Pagulayan, 28, residente sa lugar. 

Sa imbestigasyon ng Santa Maria Police, kasama ni Pagulayan ang kaniyang mga kaibigan na nagpunta sa ilog para maligo. Nasa humigit-kumulang 5 metro lamang ang layo ng ilog sa bahay ng biktima.

Pero habang naliligo ay nalunod umano si Pagulayan. Hindi na siya nagawang sagipin ng kaniyang mga kasama kaya nagtawag na sila ng rescue team. 

Ilang oras ang nakalipas bago natagpuan ang kaniyang katawan. Dinala pa siya sa ospital, pero idineklara siyang dead-on-arrival ng umasikasong doktor. 

Napag-alaman din ng awtoridad na bago magpunta sa ilog ang magkakaibigan ay nag-inuman sila.--Ulat ni Harris Julio

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.