PatrolPH

Buhay, patay na pawikan kumpiskado sa 2 suspek sa Davao Occ.

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2021 12:05 PM | Updated as of Apr 13 2021 12:06 PM

Buhay, patay na pawikan kumpiskado sa 2 suspek sa Davao Occ. 1
Nakuha sa dalawang suspek ang isang buhay at isang patay na pawikan sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental. Larawan mula sa Municipality of Sarangani

SARANGANI, Davao Occidental - Arestado ang dalawang residente ng Barangay Camalig sa bayan na ito noong Sabado matapos makuhanan ng isang buhay at isang patay na pawikan o green sea turtle.

Ayon sa pulisya, natunugan nilang magbebenta sana ng turtle meat ang dalawang suspek.

Narekober din ng mga pulis ang limang improvised spear guns mula sa dalawa.

Naibigay na sa pangangalaga ng Municipal Environment and Natural Resources Office ang patay na pawikan at nailibing na ito. 
Pinakawalan naman ang buhay na pawikan sa dagat.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” ang dalawa.

Batay sa batas, itinuturing na endangered species ang mga green sea turtle.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.