Matandang babae patay nang salpukin ng trailer truck

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2019 09:54 AM

Posible umanong nakatulog ang driver ng trailer truck kaya naganap ang aksidente na ikinamatay ng isang 66 anyos na babae sa Zamboanga City. Chrisel Almonia, ABS-CBN News


ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang 66 anyos na babae matapos mabangga ng trailer truck sa Governor Alvarez Street dito sa siyudad, Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, nasa kaniyang maliit na tindahan sa gilid ng daan ng mga oras na iyon si Abelinda Alejado at nagsisimula nang magbenta nang bigla na lang dumaan ang trailer truck at sinalpok siya. 

Nabangga rin ng truck ang isang poste ng ilaw. 

Posible umanong nakatulog ang driver kaya naganap ang aksidente.

Nagtamo rin daw ng sugat sa katawan ang driver na ngayon ay nagpapagaling sa ospital.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad para sa paghahain ng kaukulang kaso laban sa driver.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.