Lalaki sugatan nang masaksak ng kainuman

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2019 09:55 AM | Updated as of Apr 13 2019 09:34 PM

MAYNILA - Sugatan ang isang construction worker matapos saksakin ng kasamahang trabahador sa gitna ng alitan sa inuman sa Sampaloc, Maynila. 

Ayon kay Police Cpl. Aaron Torres ng Manila Police District (MPD) Station 4, nagsumbong sa kanila ang mga kaanak ng isang lalaki na nasaksak umano sa construction site kung saan ito nagtatrabaho noong Biyernes ng umaga.

Nasa Ospital ng Maynila na ang biktima. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Biyernes ng gabi nang puntahan ng mga pulis ang construction site at nahuli ang itinuturong suspek. Agad naman itong sumama sa mga pulis.

Aminado ang suspek na nasaksak niya ang kaibigan. Kuwento niya, nag-inuman sila ng mga kasamahan sa construction site at bigla umano siyang sinuntok ng biktima.
 
Sa galit at dala umano ng kalasingan, nasaksak niya ang biktima sa dibdib.

Nakakulong na ang suspek sa Sampaloc Police Station.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.