College student, nakuhanan ng P1.5-M halaga ng shabu, baril

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2019 01:12 AM

MAYNILA - Timbog ang isang business administration student sa buy-bust operation sa Barangay Bangkal, Makati City nitong Biyernes.

Arestado rin ang out-of-school youth na kasabwat umano nito.

Nasamsam sa kanila ang higit 100 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P1.5 milyon, ayon kay Makati City police chief Rogelio Simon.

Narekober din ang isang kalibre .45 na baril at mga bala na ayon sa estudyante ay ibinenta lang sa kaniya sa halagang P5,000.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. - Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.