Warehouse nasunog sa QC

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2018 12:20 AM | Updated as of Apr 13 2018 07:35 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasunog ang isang warehouse na naglalaman ng produktong kahoy sa A. Bonifacio Avenue, Barangay Pag-ibig, Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, pag-aari ng isang Michael Chua ng Statewood Enterprises ang nasabing warehouse.

Nagsimula ang apoy bandang alas-8:48 ng gabi at idineklarang under control alas-9:19 ng gabi matapos umabot sa ika-apat na alarma.

Ayon sa security guard na si Arturo Mamaril, napansin na lang umano niya na nag-aapoy na ang dulong bahagi ng warehouse. 

Isang fire volunteer ang nagtamo ng laceration.

Isinara sa mga motorista ang westbound lane ng A. Bonifacio Avenue dahil dito nakapuwesto ang mga truck ng bombero.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa pinagmulan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.