PatrolPH

Shortage sa ilang gulay posible ngayong taon: DA

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2023 07:47 PM

MAYNILA - May nakikita ang Department of Agriculture (DA) na posibleng shortage o kakulangan sa ibang gulay ngayong taon. 

Sa vegetable supply outlook ng ahensiya lumalabas na mas malaki ang tinatayang demand sa lowland vegetables o gulay-Tagalog gaya ng ampalaya, sitaw, kalabasa, at talong kumpara sa suplay nito. 

"Meron tayong mga magsasaka na nag-shift ng commodity, meron ding tumigil for economic reasons, maybe may ibang opportunities na ibang pagkakakitaan," ani DA Spokesperson Kristine Evangelista. 

Naghahanap na rin ng paraan ang ahensiya para mapunan ito. 

"Increase production pa rin ang ating focus whether it's livestock or highland and lowland vegetables, and also to guide our producers para alam nila anong commodities ang may demand para 'yon ang kanilang itanim," dagdag ni Evangelista. 

May naitala ring pagtaas ng presyo ng ilang gulay pero ayon sa DA, posibleng dahil ito sa mas kaunti ang mga nagbiyahe ng gulay noong Semana Santa. 

Pinaghahandaan na rin ng DA ang posibleng maging epekto ng bagyong Amang sa mga pananim na gulay. 

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.