PatrolPH

Number coding suspendido mula Abril 12-15: MMDA

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2022 11:32 AM

Daloy ng trapiko sa EDSA, Quezon City noong Marso 3, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
Daloy ng trapiko sa EDSA, Quezon City noong Marso 3, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

Suspendido ang number coding scheme simula Martes Santo, Abril 12 hanggang Biyernes Santo, Abril 15, sabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa panayam ng Teleradyo, sinabi ni MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan Jr. na wala munang number coding para bigyang daan ang mga mag-uuwian sa probinsiya ngayong Mahal na Araw.

Pero bawal pa rin aniyang dumaan sa EDSA ang mga provincial bus kahit holiday.

Patuloy naman umanong inaaral ng MMDA kung dapat pang ayusin ang number coding scheme para mapaluwag pa ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Muling bumigat ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila simula noong Marso matapos simulang ipatupad ang maluwag na Alert Level 1.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.