PatrolPH

Mga suspek sa mga pamamaril sa QC tiklo sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2022 01:55 PM

MAYNILA — Arestado sa isang buy-bust operation ang limang suspek na umano'y sangkot sa ilang pamamaril at pagnanakaw sa Quezon City.

Ayon kay Lt. Col. Alexy Sonido, station commander ng QCPD 6, nakumpiska sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na nasa P7,000 ang halaga, sa operasyon sa Brgy. Batasan Hills.

Sangkot rin umano sa robbery-holdup at gun-for-hire ang mga nahuli.

"'Yung dating mga shooting incident sa area namin na mga nabibiktima drug personality din, sila 'yun ang mga suspek," ani Sonido.

Mahaharap sa iba't ibang kaso ang mga suspek.

—Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.