PatrolPH

Barangay sa Davao de Oro, nasa state of emergency dahil sa diarrhea outbreak

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2022 03:53 AM

Isang barangay sa bayan ng Laak, Davao de Oro ang nagdeklara ng state of emergency matapos tatlong residente sa lugar ang nasawi dahil sa diarrhea outbreak.

Ayon sa mga awtoridad Lunes ng hapon, tinamaan ng matinding diarrhea outbreak ang Barangay Naga kung saan bukod sa mga nasawi, 22 indibidwal ang na-ospital, at mahigit 150 na residente ang apektado sa tatlong purok.

Saad ng Davao de Oro Provincial Health Office, maaring sanhi ng diarrhea outbreak ang posibleng kontaminasyon ng inuming tubig dahil marumi at walang mabuting palikuran ang ilang bahay na malapit sa water source.

Nagsagawa na ng water at chemical sampling ang mga health workers para malaman kung kontaminado ba ang tubig o may nahalong kemikal.

Magsasagawa ang LGU ng general terminal cleaning sa mga water reservoir.

Binigyan na ng malinis na inuming tubig ang mga apektadong residente, pati na mga gamit sa bahay.—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.