Voter registration sa NCR Plus, iba pang MECQ areas suspendido muna

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2021 06:55 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko nitong Lunes na suspendido muna ang voter registration sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Kabilang dito ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o NCR Plus, na MECQ hanggang katapusan ng buwan.

Suspendido din ang voter registration sa Santiago City, Isabela, Abra, Quirino at sa iba pang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ. 

Ayon sa Comelec, kasabay ng suspensiyon ng voter registration sa mga naturang lugar ay suspendido din muna ang voter’s certification. 

Epektibo ang suspensiyon ng mga opisina ng Comelec simula ngayong Lunes hanggang April 30.

Magpapatuloy naman ang voter registration at certification sa iba pang bahagi ng bansa na nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) at MGCQ.


—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.