Lalaki patay matapos makuryente habang nangingisda sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2021 01:44 PM

Patay ang isang lalaki matapos makuryente habang nangingisda sa ilog sa bayan ng Balasan, Iloilo nitong Linggo.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Jonathan Soberano, 36, residente ng Barangay Kinalkalan.

Ayon sa imbestigasyon, nangingisda si Soberano gamit ang isang improvised electric rod na may nakakabit na live wire.

Pero aksidente umanong nadulas ang biktima at nahulog sa tubig kaya nakuryente siya.

Dinala sa ospital ang biktima, pero idineklara ring dead on arrival.

– Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.