PatrolPH

28 bahay nasira sa baha sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2021 01:25 PM

28 bahay nasira sa baha sa Cotabato 1
Nasira ang ilang bahay matapos bahain ang ilang lugar sa bayan ng Makilala, Cotabato noong Abril 10, 2021. Retrato mula kay Cotabato Governor Nancy Catamco

Aabot sa 28 bahay ang nasira matapos bahain ang ilang lugar sa bayan ng Makilala, Cotabato nitong nagdaang weekend.

Umapaw kasi ang tubig mula Taluntalunan River noong Sabado, dahilan para matabunan ang mga bahay sa Barangay Luayon ng malalaking bato at mga punongkahoy.

Bukod sa mga bahay, nasira rin ang hanging bridge sa Barangay Sta. Felomina na lagusan ng Malasila River, base sa assessment ng provincial government. 

Sa Barangay Taluntalunan, nasira ang malaking dike kaya kumawala ang tubig baha papunta sa mga sakahan.

Wala namang naiulat na namatay dahil sa pagbaha.

Namahagi na ng inisyal na ayuda ang pamahalaang panlalawigan sa mga apektadong residente tulad ng food packs, gamit pangkusina, kumot, banig, at kulambo.

Inulan ang malaking bahagi ng Mindanao nitong nagdaang weekend, dahilan para bahain rin ang ilang lugar sa Davao region at Agusan del Sur.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.