PatrolPH

TINGNAN: Easter 'Salubong' sa San Agustin Church ngayong COVID-19 lockdown

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2020 09:51 AM

TINGNAN: Easter 'Salubong' sa San Agustin Church ngayong COVID-19 lockdown 1
Kuha ni John Felix Santos

MAYNILA - Sa pambihirang pagkakataon, isinagawa sa Intramuros, Maynila ang Easter Salubong nang walang taong dumalo.

Dahil sa COVID-19 lockdown, maraming nakanselang mga gawain nitong Semana Santa.

Pero itinuloy pa rin ng San Agustin Church sa Intramuros ang tradisyunal na Salubong, ang pagsariwa sa muling pagkikita ng nabuhay na Hesukristo at kanyang Inang si Maria.

Matapos ang Easter Vigil, iprinusisyon muna ang Banal na Sakramento sa paligid ng Intramuros at ibang bahagi ng Maynila gaya ng Tondo. Tumagal ang prusisyon ng mahigit 2 oras.

[EMBED PHOTO 2
CAPTION: Kuha ni John Felix Santos]

Pagkatapos nito, isinagawa ang salubong ng La Virgen Gloriosa at ang nabuhay na Hesukristo.

Kadalasan itong ginagawa nang may pag-awit ng mga anghel at mga fireworks.

Pero ngayong taon, simple ang ginawang Salubong. Naka-live stream ito para mapanood pa rin ng mga Katolikong Pilipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.