PatrolPH

3 timbog matapos makuhanan ng P578,000 halaga ng 'shabu' sa QC

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2020 01:53 PM

MAYNILA — Aabot sa P578,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa 3 suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Quezon City noong Sabado.

Nahuli ang mga suspek sa operasyon sa San Jose Street, Barangay Damayan bandang 3:40 ng hapon, base sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD).

Dinampot ang mga suspek matapos nilang bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa halagang P6,500.

Nakumpiska sa mga suspek ang 85 gramo ng hinihinalang shabu, digital weighing scale, at buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek, ayon sa pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.