PatrolPH

Bayan sa Bukidnon inulan ng yelo

PJ dela Peña, ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2019 06:20 PM

Watch more on iWantTFC

Kuha ni Israel Olavides

Inulan ng yelo ang bayan ng Manolo Fortich sa Bukidnon nitong Huwebes.

Umabot sa apat na minuto ang hail storm sa Camp Phillips sa bayan.

Ayon sa residenteng si Israel Olavides, sumabay sa mahinang ulan ang ice crystals.

Ayon sa PAGASA, nangyayari ang hail storm kapag malapit sa lupa ang mga nabubuo na mga ulap na may dalang ice crystals na siya namang nagiging ulan. Dahil dito bumabagsak ang mga ice crystals na hindi pa masyadong natutunaw.

Dagdag ng ahensiya, dapat mag-ingat ang mga residente sa mababang ulap dahil may dala itong kidlat at thunderstorms.

Kahit may mahinang El Niño ay nakakaranas ng ulan ang ibang parte ng Mindanao dahil sa easterlies.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.