Improvised explosive sumabog sa Isabela City

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2018 03:48 PM

ISABELA CITY, Basilan – Sumabog ang isang improvised explosive device sa isang construction site sa Sitio Processing, Barangay Sumagdang, Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ulat mula sa Isabela City police, inilagay ang bomba sa ilalim ng nakaparadang loader na pagmamay-ari ng developer na si Mike Salongan.

Ang naturang lugar ay dine-develop bilang housing project.

Wala naman umanong nasugatan sa insidente.

Nagsagawa ng post blast investigation ang awtoridad kung saan narekober nila ang isang cellphone, improvised blasting cap, at iba pang bahagi ng IED.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad para makilala ang mga suspek at matukoy ang motibo sa likod ng krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.