Apartment, nasunog sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2018 03:02 AM

MAYNILA - Nasunog ang isang three-door apartment unit sa Bayanihan St., Barangay 159, Baesa, Caloocan City Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy pasado alas-11 ng gabi at naapula ito Huwebes na ng hatinggabi.

Tatlong pamilya ang nawalan ng tirahan, kabilang si Myrna Doculara na walang naisalbang gamit o pera.

Ayon kay Senior Insp. Mark Christopher Pila, chief of operations ng BFP-Caloocan, hindi na kumalat ang apoy sa mga katabing gusali dahil napapaligiran ito ng firewall.

Hindi pa tukoy ang pinagmulan ng apoy. Isang aso naman ang naiulat na nasawi.

Tinatayang nasa P150,000 ang halaga ng pinsala. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.