MILAN – Walong Pinoy contemporary artists and ginawaran ng Leonardo da Vinci International Prize noong April 5, 2023 sa ginanap na inagurasyon sa National Museum of Science and Technology Leonardo da Vinci sa Milan.
Photo courtesy of Dale Bagtas
Kabilang dito sina Bethram Alegado; Ariosto Dale Bagtas; Kathleen Margaret Charity Hernandez; Noli Principe Manalang; Joey Cruz Margarejo; Eman Santos; Marites Van Vianen; at Michael Villagante.
Ang prestihiyosong taunang premyong ito ay iginawad sa mga artists batay sa kanilang professional artistic merits.
Ang awarding ceremony ay ginanap sa pinakamalaking science and technology museum sa Italya at isa sa pinakamalaki sa Europa; kasama ang art collectors at enthusiasts, mga politiko, at mga mamahayag sa mga nabigyan ng parangal.
Photo courtesy of Dale Bagtas
Nakuha ng awardees ang customized sculpted trophy ni Leonardo da Vinci na gawa ng isang bihasang Florentine artisan, gayundin ang opisyal na katalogo ng prestihiyosong premyo.
Photo courtesy of Dale Bagtas
Proud ang mga Pinoy artist sa pagkilalang kanilang natanggap. Ang tubong Bulacan na si Dale Bagtas taos-puso ang pasasalamat sa pagpili sa kanya at mga kapwa artirts ng mga art curators na sina Salvatore at Francesco Russo.
"I'm very grateful and honored to receive this prestigious International Prize Leonardo Da Vinci award. Thank you to all of you. To God be the glory. Mabuhay ang Sining ng Pilipinas!," sabi ni Bagtas.
Photo courtesy of Dale Bagtas
Bagaman hindi naging madali ang pagpunta sa Milan sulit naman daw ang lahat na kaniyang naging pagod at sakripisyo wikai ni Noli Manalang.
"The challenges to get here in Milan were daunting and emotionally draining. It is a sweet victory just to be able to come and receive this meaningful award, in a country I look up to as an artist, the seat of Renaissance-Italy," saadi ni Manalang.
Photo courtesy of Dale Bagtas
Umaasa naman si Emman Santos na maraming pang mga Pinoy artist ang makilala sa international art scene.
"Mabuhay ang sining ng Pilipinas, Congratulations sa mga kasamahan ko sa sining! Sana sa susunod mas marami pang Pilipino artist ang sulatan at piliin ni Mr. Salvatore Russo!," wika ni Santos.
Ilan lamang sina Villagante, Bagtas, Santos, Manalang at Cinco sa mga alagad ng sining na na itinataguyod at pinapaunlad ang talentong Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga obra na patuloy na kinilkilala at pinararangalan sa ibang bansa.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italy, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.