Pulis binaril habang nagpapahinga sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2019 03:33 PM

Patay ang isang pulis sa Catbalogan City, Samar matapos pagbarilin ng hindi pa nakikilalang salarin nitong Huwebes ng madaling araw. 

Galing sa paghahanda para sa alumni homecoming ang biktimang si Police Staff Sgt. Kirk Walter Lorenzo bago mangyari ang krimen, ayon sa mga awtoridad.

Sinundan umano ito ng salarin habang papauwi sa kanilang bahay. 

Habang nagpapahinga ang biktima sa kanilang sofa ay pinasok umano ng salarin ang kaniyang bahay at binaril ang biktima. 

Agad namang tumakas ang salarin matapos ang pamamaril. 

Patuloy na iniimbestigahan ng Catbalogan police ang insidente. 

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.