Lalaki patay sa San Jose del Monte buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2019 05:47 AM

BULACAN - Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte City, Bulacan Huwebes ng hatinggabi.

Kinilala ang suspek na si Michael Lasala na nasa drugs watch list ng pulisya.

Narekober sa kaniya ang 12 sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at motorsiklo.

Itinanggi ng San Jose del Monte City police ang mga alegasyon na intensiyonal nilang pinapatay ang mga target ng buy-bust.

"Hindi naman pinapatay talaga, isinusugod pa nga sa ospital," ani Police Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng siyudad.

Aminado si Castil na problema pa rin ang droga sa lugar dahil sa dumaraming populasyon. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.