British national tinangka umanong gahasain sa El Nido

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2019 06:04 PM | Updated as of Apr 13 2019 01:09 PM

(UPDATE) Inireklamo nitong Huwebes ng isang British national ang tangkang panggagahasa umano sa kaniya ng hindi pa nakikilalang lalaki sa El Nido, Palawan. 

Kuwento ng biktimang si alyas Jade, 29, naglalakad siya sa eskinita ng isang hotel noong madaling araw ng Miyerkoles nang sunggaban umano siya ng isang lalaki. 

Hinipuan umano siya sa maselang parte ng katawan at itinulak habang hinuhubaran. 

Pero nakapiglas ang biktima at agad na nakatakbo. 

Pinag-aaralan na rin ng El Nido Municipal Police Station ang pagkakakilanlan ng suspek na maaaring maharap sa kasong attempted rape. 

Sa isang pahayag Sabado, sinabi ng embahada ng United Kingdom sa Pilipinas na nagbibigay-tulong na ito sa babae. 

“Our staff are supporting a British woman in the Philippines. We remain in contact with the Philippine National Police and have stressed the need for a thorough investigation,” ayon sa embahada. 

Nitong mga nagdaang buwan ay ilang kaso na rin ng pang-aabuso sa mga babaeng dayuhan ang tinututukan ng mga pulisya. 

-- Ulat ni Rex Ruta, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.