14 huli sa anti-drug ops sa QC

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2019 05:55 AM | Updated as of Apr 11 2019 10:06 PM

Lyza Aquino, ABS-CBN News

MAYNILA - Arestado ang 14 katao sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Quezon City sa magdamag.

Pinasok ng mga pulis ang bahay ng isang lady guard na umano'y nagmamay-ari ng drug den sa Barangay Culiat. Nadatnan sa loob ng bahay ang 5 lalaki na bumabatak umano ng droga.

Itinanggi ng suspek ang alegasyon at sinabing nakahiga lang siya. Narekober sa kaniyang bahay ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Samantala, timbog ang 4 na lalaking driver sa buy-bust operation sa Barangay Culiat pa rin.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa 2 suspek, gumagamit sila ng droga para pampagising lalo na at malalayo ang kanilang biyahe araw-araw.

Sa Barangay E. Rodriguez naman, nahuli ng mga pulis ang isang drug surrenderee, kaniyang kasamahan, at mga parokyano na mag-live-in partner. Nasamsam sa kanila ang 20 sachet ng umano'y shabu. - Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.