2 huli sa 'shabu session' sa abandonadong bahay

Ronnie Enderes, ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2018 12:20 PM

Sa abandonadong bahay sa Barangay Cugman, Cagayan de Oro City tumitira ng shabu ang dalawang arestadong lalaki. Ronnie Enderes, ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO CITY – Dalawang lalaki ang nahuli sa akto na gumagamit ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong bahay sa Zone 9, Barangay Cugman, Martes ng hapon.

Nakuha ng awtoridad mula sa mga suspek ang 2 unsealed rectangular plastic transparent na cellophane na may pinaghihinalaang residue ng shabu, mga drug paraphernalia at cellphone. 

Napag-alaman ng mga pulis na driver ng isang pribadong sasakyan ang 35-anyos na suspek habang construction worker naman ang kasama nitong 21-anyos.
 
Ayon naman kay Chief Inspector Ian Borinaga ng Cugman Police Station, mga bagong personalidad sa ilegal na droga ang mga suspek. Mga residente ng lugar ang nagbigay ng impormasyon sa pulis kaya ikinasa ang anti-illegal drugs operation.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.