Warehouse ng kahoy sa San Mateo, Rizal, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2021 03:30 PM

MAYNILA - Nasunog ang isang warehouse ng kahoy sa Ibiza Subdivision sa Barangay Maly sa San Mateo Rizal, umaga ng Sabado. 

Ayon kay Fire Capt. Rissa Panergalin ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 4-A, nagsimula ang sunog pasado alas-5 ng madaling-araw at agad itinaas ang responde sa ika-4 na alarma.

Watch more in iWantTFC

Nadamay rin ang mga katabing bodega nito.

Mahigit 9 na oras nang nagpapatuloy ang sunog bandang alas-2:30 ng hapon.

Sabi ng BFP, puno ang pabrika ng mga combustible materials kaya natatagalan ang mga bumbero na apulahin ang apoy.

— Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.