Mortuary worker sa Davao de Oro, pinatay ng nagkunwaring client

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2021 03:00 AM

Patay ang isang empleyado ng punerarya sa Nabunturan, Davao de Oro matapos umano siyang pagbabarilin ng isang nagkunwaring kliyente nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, nilapitan ang biktima na si Melvin Omega ng dalawang suspek sa Montoya Funeral Parlor sa Purok 1, Barangay Poblacion para magusap tungkol sa funeral service.

Pagkatapos ng pag-uusap ay bumunot umano ng baril ang isa sa mga armado at binaril ang biktima. 

Tumakas ang mga salarin na kinikilala na ngayon ng pulisya. Dead-on-arrival naman sa Compostela Valley Provincial Hospital-Montevista si Omega.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng pinaniniwalaang galing sa .45 caliber pistol.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga responsable.--Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.