PatrolPH

2 timbog sa alok na umano'y pekeng driver's license sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2021 08:07 AM

ILOILO - Arestado ang dalawang fixer matapos umano mag-alok ng pekeng driver's license sa Iloilo City Biyernes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, nag-aalok ng pekeng lisensiya ang dalawa sa halagang P6,000 hanggang P7,000.

Sa entrapment operation na ikinasa ng Land Transportation Office 6 (LTO-6) at Mandurriao Police Station, nagpanggap na customer ang isang operatiba matapos matanggap ang impormasyon tungkol sa modus ng dalawang suspek.

Ayon kay Assistant Regional Director Gaudioso Geduspan ng LTO-6, ang pagkahuli sa dalawang suspek ay followup operation ng ahensya sa nauna nang nahuli na namemeke din ng driver's license.

Nakakulong na ngayon ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Anti-Red Tape Act of 2007. —Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.