Mga Pinoy dumiskarte para gunitain ang Semana Santa habang naka-quarantine

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2020 06:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19, ipinagpatuloy pa rin ng mga Katolikong Pinoy ang paggunita sa Semana Santa kahit pa kanselado lahat ang mga tradisyunal na aktibidad na nakasanayan ng mga deboto.

Si Dennis Lumahan, gumawa ng sarili niyang "stations of the cross" sa kanilang bakuran para maipagpatuloy ang nakagawian tuwing mahal na araw.

Nakuhanan naman ng video ni Bayan Patroller Jai Roque ang isang deboto sa Malabon na tinutulak ang kariton na may replika ng banal na Poong Nazareno.

Nakasuot ng face mask ang lalaki at kasama niyang bata, na sa gitna ng quarantine ay pinakita sa lahat na hindi nawawala ang kanilang pananampalayata.

Nauna nang nagpaalala ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines sa publiko na dahil sa quarantine, magnilaynilay na muna sa bahay para maipakita ang debosyon sa ligtas na pamamaraan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.