2 'tulak' ng droga timbog sa Novaliches; P2.3-M halaga ng shabu kumpiskado

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2020 03:24 PM

Timbog noong Huwebes ang 2 umano'y tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Novaliches, Quezon City. Retrato mula sa QCPD


MAYNILA — Timbog noong Huwebes ang 2 umano'y tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Novaliches, Quezon City. 

Nangyari ang buy-bust sa Brgy. Bagbag pasado alas-5 ng hapon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Brig. Gen. Ronnie Montejo, nakipagkita ang nagkunwaring bibili sa mga suspek sa isang gusali sa Quirino Highway at nakabili sa kanila ng P120,000 halaga ng shabu.

Nakuha pa sa 2 ang 350 gramo ng hinihinalang shabu, kaya umabot sa P2.3 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa kanila. 

Kasama ring nakumpiska ang motorsiklong gamit ng mga suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.