P10.2 milyong halaga ng 'shabu' nasamsam sa Bulacan

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 11:13 PM

MAYNILA - Nasamsam ang P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa 3 suspek sa San Ildefonso, Bulacan nitong Miyerkoles ng hapon.

Nasabat ang droga nang ipatupad ng pulisya ang search warrant laban sa isang Duane Aquino na kabilang sa drug watchlist ng bayan.

Bukod kay Duane, arestado rin ang 2 kasama nito sa bahay nang ipatupad ang search warrant na inisyu ni Judge Sita Jose Clemente ng Malolos Regional Trial Court Branch 16.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.